Ang Alapaap at Elisi: Deskripsyon ng nakaka-high na karanasan
Mula pa noong nasa highskul pa lamang ako, at lagi kong pinakikinggan ang mga kanta ng e-heads at rivermaya, naiisip ko na agad na sadyang ginawa ang kanta para ilarawan ang isang karanasan sa droga. Natatandaan ko pa noong sobrang idolo ng kuya ko si Eli, madalas kong naririnig ang Alapaap...sabi niya, ganun daw talaga ang pakiramdam ng naka-droga. Kung aanalisahin ang lyics nito, ganun talaga ang iniimplika ng kanta. Gusto ko sanang idagdag ang aking obserbasyon sa isa pang likha ng e-heads na tila nagpapakita rin ng kaugnayan sa droga- ang "harana". Napansin ko lang ito nung nabasa ko ang "Kabataang Drug Lord",napansin ko kasi yung Amsterdam na kilala bilang isang malaking market ng droga. Mapapansin sa unang saknong ng kanta: "Kung ako ay papipiliin, ay nag_Amsterdam na ako...". Marahil, kung papansinin natin ang mga likha ng e-heads, kakikitaan natin sila ng mga simbolismo at representasyon sa ganitong uri ng bagay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home