Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Friday, April 29, 2005

Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Sumpa ng Kalachuchi

Ang saya saya ng mini-tour kanina…para akong lumipad patungong ibang mundo mula sa planetang Peyups patungong planetang Balara…Ewan ko ba kung bakit parang bumalik ako sa pagkabata ng tumungtong tayo sa lugar na iyon…Ah! Baka siguro dahil kay Inay Bernadine, sa puro germs na ice scramble ni manong na nakakumay at nakakauhaw, sa mga higanteng mama na nagbubuhat ng tangkeng hugis itlog ng ostrich, sa simbahang creepy, sa amphitheater na pugad ng mga nakahubad na mga mama, sa sekyu na sunod ng sunod sa atin o kaya marahil sa kalachuching pula at puti na aking pinulot (hindi ko kasi abot e!) sa daan… baka lukso ng dugo dahil muli kong nakita si Inay.
Marami talaga akong natutunan… (dapat lang siguro noh! Kahit na maikli ung distance, ang init-init kaya?!) tulad ng:

1. Ang Old Balara ay mukhang bago
2. Ang simbahan nung unang panahon ay nakakatakot, pero gayunpaman, masayang makipagtitigan sa mga rebulto ng mga santo-santo
3. Mag-ingat sa mga lumang sementadong daan, kasi 80% ang chance mong matapilok…5 beses kasi akong natapilok e… pero naghahanap lang talaga ako ng sisisihin… ang tanga kasi ng mga paa ko…
4. Magandang gawing tambayan ang park, lalo na pag kating-kati ka ng mag yosi
5. Mas kaakit-akit ang babaeng magsasaka
6. Magandang mag-picture picture malapit sa bangin
7. Astig si Abraham Get-something Gideon nung panahon nya
8. Nakakalaki ng katawan ang pagbubuhat ng itlog ng dinosaur


Mga ilang bagay na naguguluhan pa ako:

1. Bakit kailangang nakahubad ang rebulto ng mga nasa fountain o pond?
2. Bakit may mga batang feeling artista? Bahagi lamang ba iyon ng pagpapasikat nila sa mga taong dumadaan? Hindi naman ako ganon nung bata ako a! Iba na talaga ang kabataan ngayon...tsk…tsk…
3. Para saan ang mga saging sa paanan ng bangin?
4. Kung ang mga socialite ang nakatira sa sentro ng bayan, bakit mas maraming iskwater ang mas malapit sa sentro kaysa sa mga taga- La Vista?
5. Talaga bang galing sa PALARA ang BALARA? Kung gayon, factory ban g sigarilyo at kailangang maging kaharian ng mga PALARA ang BALARA?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home