Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Tuesday, April 26, 2005

Maikling Reaksyon sa Awiting Elisi at Alapaap

karendirya



Ang sasabihin ko dito ay siya ring idinaldal ko kanina sa klase at siyempre pa, ang mga sinabi rin ng aking mababait na kaklase.Sa unang saknong pa lamang, ng awiting Elisi, linapatan na ito ng mahahalagang salita, na nagseset ng mood ng kanta. Dito, malinaw na tumutukoy ito sa sitywasyon kung saan ang isang tao ay lugmok sa malaking suliranin o problema. ang mga salitang "automatic na ang luha," ay katotohanang nangyayari sa mga taong malalaki ang problema. Isama na rin dito ang nasa pangatlong saknong na direkta nang gumagamit ng salitang "komplikadong problema," upang buohin ang mood ng musika. Suportado rin ito ng mga sumusunod na salita, "hatinggabi, pag imposibleng mapatawa ,at di madapuan ng ngiti." Napakaganda at di mahirp intindihin ito,at ang isang mambabasa ay dagliang matatanto, na usaping problema, pagkalungkot, negatibo, suliranin at conflict ang pinag-uusapan dito. At gaya ng sinabi ko kanina sa klase, mahalaga ang representasyon ng gabi para sa akin dahil na rin sa nakagawiang konsepto na ano mang negatibo gaya ng mga problema ay iniuugnay sa kadiliman, itim at gabi taliwas sa kaaliwalasan at kaputian, mabuti, at masaya. Dagdag pa rito ang nabanggit kanina sa klase ukol sa konsepto ng time at space na napagusapan na ng klase. At base na rin ito sa karaniwang nangyayari na ang gabi ay para bang tinakdang pagkakataon upang makapag-isa, maging helpless,sa gayon akma na panahon para magdusa. At bilang sulyap sa awiting Alapaap ng Eraserheads, gumamit naman ito ng mood na presko gamit lamang ang salitang umaga, marahil dahil dito nasa antas na ng epekto ng paggamit ng droga ang karakter dito. Balik sa Elisi, at sa ikalawang saknong, tila hinihikayat na nga ang isang tao na gumamit ng kung ano mang bagay na ito ( "sa KANYA") na maari nating sabihing droga nga. Gamit din ang mga salitang "kalayaan ng ligaya" na karaniwang ikinakabit sa epekto ng paggamit ng droga. Batid natin ito dahil escapist ang tema dito at karaniwang dahilan ng paggamit ng droga ay upang takasan ang sitwasyon na binabanggit sa unang saknong. Napansin ko rin ang paggamit ng elisi na ayon na rin sa aking mga kaklase, ito'y dahil ito ang nagdadala sa eroplano sa kalangitan, isa na namang pakahulugan sa epekto ng bawal na gamot. Para sa akin naman ang elisi kasi ay paikot-ikot at nakakahilo, na para ring epekto ng droga. Pansin ko rin na ginagamit itong symbolic-element sa mga pelikula at short film. Para ikot-ikot din ang elisi, pabalik balik, na para bang isang adiksyon sa droga. Nakakalito naman ang pangatlong saknong para sa akin dahil sa paggamit ng bansang Hapon, bagamat ang relo ay para ding elisi na paiko-ikot. Ang naiisip ko lang na pagsinabi ng tatay ko (noon yun) na made in Japan, parang ibig niyang sabihin sirain, magulo at di maintindihan. Mas may kahulugan ito pag binuo mo na ang relo-made-in Japan. Isama na rin natin ang sandwich na nawawala na tila ba nakakaloka rin.At pag dating sa huli, muli nitong pinahihiwatig ang escapism, ang daglian at temporaryong solusyon sa ating mga problema. Hindi rin masyadong malayo ang sinsabi ng Alapaap ng E'heads bagamat mas literal ito at mas madaling makuha ang kahulugan. Ang "alapaap" na para sa akin ay katumbas ng "ere, o langit," ay mag salitang ginagamit upang ipinta ang epekto ng droga sa tao. At gaya na rin nang sabi ng kaibigang kong si Aileen, ang intro ng musika pati na rin ang pangalawang saknong ay angkop na metaphor sa epekto ng droga, sa paghit-hit ng marijuana. Paghihikayat naman at pagpapalakas ng loob ang tema ng ikatlong saknong, gaya ng ginawa sa Elisi. Rebellious din ang panghuli nitong saknong, ekspresyon ng dissent na maari ding iugnay sa usaping lipunan at droga (ngunit iba nang kwento ito).

Sa pangkalahatan, progresibo ang mga awiting ito. Sinisira nito ang mga kombensiyon, ang status quo na sa tingin ko ay nababagay sa mas malawak na usapin. Dahil dito, hindi rin ako kumbensido na isa lang ang tema ng awitin ito. Hindi lang itong awitin ng droga. Mas mahalaga siguro ang sinasabi ng lipunan ukol dito at ano ang sabi ng kanta tungkol sa lipunang ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home