Maraming Salamat
Officially, tapos na ang summer. Tapos na rin ang maikling panahong nagkahuntahan tayong lahat. Kanina ay naipasa ko na ang grades n'yo. Walang bumagsak. Wala ring incomplete o 4.0, at wala ring drop. First time ko ata ito sa history ng aking pagtuturo a! Hehehe.
Anyway, nakapost sa room ko, FC 3009, sa labas, sa ibabaw ng mga higanteng folders, ang details ng grades n'yo. Nakasulat din dun ang mga pangalan n'yo kaya malalaman ng iba n'yong classmate kung ano ang nakuha n'yong grades. Joke lang. Student number lang po. Hehehe.
Nasa higanteng folders naman ang blue books n'yo, yung Long Exam n'yo, pati yung mga mapa at ilang final papers ng classmates n'yo. Di ko na ibabalik yung mga final project na naka-CD, tsaka yung ibang final project na ang gaganda, kasi magagamit ko yun sa iba kong mga future classes. Don't worry, ike-credit ko yun sa inyo. Sasabihin ko sa kanila na kayo ang gumawa noon, pati yung mga powerpoint presentations. I always make it a point to give credit to whom credit is due. :)
Yung mga nagbigay naman ng blank cds para pag-burn-an ko ng short films, pasensiya na, lagi kong nakakalimutan. Next week, promise, maibibigay ko na. Bale iiiwan ko kay Ate Susan sa Filipino Department yung mga cds; lalagyan ko ng corresponding names tapos hingin n'yo na lang kay Ate Susan.
Maraming salamat sa isang masayang Tag-init! Masaya ako na kayo ang naging mga estudyante ko ngayong Summer 2005, ang first time kong magturo ng Summer classes. Ciao!
P.S. Please keep on blogging para naman makabalita pa rin ako tungkol sa inyo. :)
-- sir mykel

5 Comments:
At Thursday, May 26, 2005 8:42:00 PM, your hip-piness said…
oo nga the best tong c sir, sa totoo lang kung cnb ni sir na na-inspire natin cya, ako din na-inspire sa knya dahil kinarir ko tlga ang klas na to (1st time in my 4 year stay dito sa up).. totoo! ewan ko kung bakit pero sobrang napaka-interesting ng klase na to. masaya pa dahil kalog ung teacher (pasimuno nga minsan e hahaha biro lang sir!)... just read my blog post hehe. nilagay ko din dun kasi e. sir mamimiss ko ang klas.... the best class i had so far! sana pwde ulit maulit.
At Friday, May 27, 2005 7:14:00 PM, ~voklox* said…
ay sir, gusto ko rin pong magkaroon ng copy ng one sip at a time at nung master magician kaso di po ako nakapagbigay ng blank cd. magbibigay na lang po ako sa monday tapos kahit anong araw niyo na lang po ibigay sa kin. kahit next sem, hihintayin ko po. basta, i just got to have one......
cge po sir! salamat! da best po talaga kayo!!
MABUHAY SI SIR MYKEL!!:D xD
At Saturday, June 04, 2005 9:36:00 AM, pinakbet@2008 said…
sir thank you.napaka interesting ng subject at siyempre pa, the way you handle the class. Siguradong di ka lilipat sa call center kasi na iinspire mo maraming estudyante.thanks again
At Saturday, June 04, 2005 9:38:00 AM, pinakbet@2008 said…
sir thank you sa isang napaka interesting and masayang class. siguradong di ka lilipat sa call center dahil marami kang na iinspire na estudyante sa iyong pagtututuro. thank you again!!!
At Saturday, June 04, 2005 4:55:00 PM, abi said…
sir...salamat sa grade talaga..feeling ko, di ko deserve yung grade, at sa totoo lang, bahagi na kayo ng talambuhay ko kasi kayo ang unang-unang prof na nagbigay sa akin ng uno, (yung walang deduction ha!)...niwei, salamat po talaga!!at ano??magko-call center kayo??bakeeet??you're over qualified don...at marami pa kaming mga iskolar ng bayan na nangangailangan sa mga tulad nyo na magaling at talentadong teacher...sobra kasi akong ma-involved sa mga topics natin at ang saya saya talaga ng class...at tutal, nagbigay na ng testi dito, join na rin ako...
si sir mykel??ah...naririnig ko na yung pangalan nya dati..sa mga surveys ng mga freshies para sa mga okay na prof...pero di ko alam na destined na maging teacher ko sya kasi mahilig akong kumuha ng mga unang prof sa mga subjects na kailangan ko sa CRS...at dahil 'A' sya, at nasa unahan ng list, sya yung kinuha ko...pero di ko narealize na sya pala yung sinasabi ng mga na-interview...wow ^_^pero i'll beg to disagree sa impression na mukhang matanda o parang matanda na si sir...kasi bagets na bagets yung name nya...MICHEAL FRANCIS...parang ambaet baet..kasi Christian na Christian yung name...^_^tapos, ngayon lang ako nagkaroon ng prof na bibong bibo...grabe, nakaka-enganyo talagang magaral pag sya ung prof mo...
^_^
Post a Comment
<< Home