Para sa Pan Pil 17 - X3 - Mapa ng Quiapo / Marikina at Rewriting ng Mito
Para ito sa students ng Pan Pil 17 - X3 (11-1pm)
1. MAPA NG QUIAPO O MARIKINA
Inaasahan kong nakapunta na kayo sa Quiapo o Marikina. Tatalakayin natin ang GEOPOLITICS sa Huwebes, Mayo 12, kaya dapat ay dala na ninyo ang MAPA na ginawa ninyo. Specifically, nais kong makita sa mapa ninyo ang mga establisimiyento, pangalan ng mga kalye, landmarks, notes kung anong business o cultural information maryoon sa lugar na pinuntahan ninyo. Halimbawa, sa Quiapo, nirenovate ang labas ng Simbahan, yung plaza roon, tapos nandoon ang Mercury Drug. Atbp. Napakarami.
Dadalhin ninyo ang inyong mga mapa sa Huwebes. Isasubmit n'yo sa akin DURING CLASS TIME natin. Don't forget. Sa short bond paper lang ilagay. Puwedeng computerized, puwedeng handwritten, o kung anumang teknolohiya na mayroon kayo.
2. REWRITING NG ISANG MITO
Tulad nang sinabi ko na sa klase, nais kong gumawa kayo ng maikling kuwento na mayroon lamang 300 salita tungkol sa isang matandang pagpapaliwanag ng high tide at low tide. Na mayroong isang higanteng babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat na mayroong malaking-malaking pusod. Na kapag huminga siya paloob (breathe in) ay nasisipsip ng kaniyang pusod ang tubig-dagat kaya low tide, at kapag nag-exhale naman siya ay lumalabas ang nasipsip na tubig kaya nagkaka-high tide.
Bahala kayong paganahin ang inyong imahinasyon. Halimbawa, ang naisip ko ay ganito. May nanliligaw na mangingisda sa babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat. Akala ng babae ay dalisay ang intensyon ng mangingisda. Pero hindi pala. Gusto lang ng mangingisda na paibigin ang babae dahil kayang kontrolin ng babae ang pagbabaw at paglalim ng level ng tubig sa dagat. Magagalit ang babae kaya sisipsipin niya sa pusod niya ang maliit na bangka at ang mangingisda.
Naisip ko rin, halimbawa, paano kung lumiliit rin pala every 100 years ang babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat. Tapos may nakahuli sa babae at inilagay siya sa isang aquarium.
Tapos, paano kung mayroon palang mangingibig na lalaki ang babae, pero yung lalaki ay nasa buwan. At nakakapag-usap lang ang dalawang nilalang sa pamamagitan ng kanilang mga pusod -- dun sila nagkokomunikeyt -- na sa pusod nanggagaling ang gravitational pull nila.
Kayo ang bahalang mag-isip ng sarili ninyong naratibo. Basta gamiting persona o karakter ang babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat. 300 words lang po. Mag-word count kayo. I-post n'yo sa SARILING BLOG ang inyong 300 word story. Kung wala kayong pang-internet, iprintout ninyo at ipasa sa akin. Sa BIYERNES, Mayo 13, 10pm ang deadline ng inyong takdang araling ito.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home