Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Friday, May 06, 2005

saranggola sa FA

saranggola sa FA

Malay mo nga naman…

Sa dinami-dami ng mga Conspiracy theory na nalaman ko sa aking pagbabasa sa net, maraming napaka-absurd at weird pero almost convincing na mga theories…Almost convincing kasi di nila ako tuluyang napaniwala…halos lahat sila mga cliché lang ng ibang mga cliché na pangyayari. Yung tungkol nga pala kay Lilith, narinig ko na yun nung grade six ako… naaalala ko yun dahil ung mag-entrega nun ay yung epal pero crush kong classmate…Di ko alam kung ganon na talaga ka-galing at kauso ung net non pero I believe na galing yun kung saang website at computerized sya…(tsk…tsk…ang alam ko kasi hindi sya marunong mag-type…) niwei, ang natatandaan ko, una nga syang asawa ni Adam at eventually ay naging asawa ni Satan… Pero ang isa sa mga napaniwala ako na conspiracy theory ay yung fake na pag-conquer kuno ng U.S. sa buwan. Sa simula palang talaga, habang manghang-mangha yung mga classmate ko nung elementary habang pinapanood namin ung pag-landing kuno nina Edwards at Armstrong sa surface ng moon…Para sa nagbabasa nito na hindi alam ung theory na ito, hindi DAW kasi totoo na nakarating sila Armstrong sa moon, pakana lang ito ng America para masabing nanalo sila sa Cold War laban sa Russia. Madami kasing flaws yung video na pinapakita yung pagla-landing kuno ng spaceship ng U.S. sa moon. Sa isang studio lang yun nangyari, except yung sa pag-take off ng shuttle which is true naman pero unmanned yun. Sa Arizona kasi may craters na gawa ng bumasak na meteorite (na sinasabi namang dahilan ng pagka-wipe out ng lahi ng dinosaurs millions of years ago…) na hawig sa surface ng moon. Tapos dun nila shinut un nga. Ang daming flaws kasi nung video like yung time na mejo hinangin yung flag na dapat ay hindi dahil there’s no air on the moon, ung mga shadows na dahil sa lights ng studio, yung angle ng earth at sun sa perspective ng moon ay hidi tugma at marami pang iba…

Hindi naman sa nagiging bitter ako kasi hindi nanalo yung bet ko na Russia pero kapanipaniwala naman kasi ung televised na conspiracy video na to…at ayoko talaga sa U.S. if given the chance na makapunta ako sa ibang bansa, pupunta na lang ako sa Japan…ulet…kaysa maging puppet in disguise ako sa America.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home