Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Sunday, January 22, 2006

Kelan Nag-40 si Bien Lumbera? Ngayong 40 Taon na ang DFPP?

Kailan Nag-Kuwarenta si Dr. Bien Lumbera Ngayong Kuwarenta na ang DFPP?

Para malaman kung kailan nag-40 si Dr. Bien Lumbera, dumalo sa paglulunsad-aklat ng Bayan at Lipunan: Ang Kritisismo ni Bienvenido Lumbera na inedit ni Dr. Rosario Torres-Yu at inilimbag ng UST Publishing House. Ito ay gaganapin sa C.M. Recto Hall, Faculty Center, UP Diliman sa Enero 30, 2006, 4-5:30nh. Si Dr. Lumbera ay Professor Emeritus ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) kung saan naging malaking ambag ang kaniyang mga pag-aaral sa mayabong na 40-taong buhay ng DFPP.

Kasunod (at kaugnay) nito ang Apatnapu Na Po Tayo: 40 sa a-30, ang pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng DFPP. Inilipat ang oras at lugar na pagdarausan ng pagdiriwang at homecoming na ito. Ang bagong venue ay sa Galleria 2 (malapit lang sa Recto Hall) ng Faculty Center, Enero 30, 2006 pa rin, pero sa ganap na 5:30nh hanggang 8:00ng.

Inaanyayahan ang lahat ng alumni, kasalukuyang mag-aaral, kaibigan, at kakilala sa magkaugnay na okasyong ito. Sa lahat ng napadalhan o nakatanggap ng naunang imbitasyon, ito po’y pagpapabatid para sa bagong lugar at oras. Lubos pa rin naming aasahan ang inyong suporta’t pagdalo.

Para sa mga katanungan, magpadala ng email sa 40sa30@gmail.com o di kaya’y i-text si G. Mykel Andrada sa 0915-4413324 o tumawag sa DFPP sa 924-4899.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home