Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Thursday, February 15, 2007

Pan Pil 176 Midterms

Mahal kong PP 176 na mga mag-aaral:

Dahil sa glitch sa blog (sa draft lang pala na-save itong midterms at hindi sa final page), extended ang deadline ng pagsusumite ng midterms. Wala ring pasok sa Lunes (Pebrero 19, 2007) para bigyan kayo ng panahong maglibrary work para sa midterms [dahil nga kasi sa glitch ay nasayang ang Huwebes (Pebrero 15, 2007) na library time nyo dapat. Mea culpa]. Narito na ang apat na tanong. 70 puntos lahat. Isumite ang midterms sa Pebrero 22 (Huwebes), oras ng klase. Makinilyado o komputerisado, single space, Times New Roman ang font at 12 ang font size kung komputerisado, one inch all sides, short bond paper. Stapler ang gamitin, wag paper clip o panis na kanin. Walang report sa Pebrero 22. Tatalakayin natin ang midterms.

SIMULA NG MIDTERM EXAM


1. Ano ang (mga) dominanteng ideolohiya sa awiting-bata na nasa ibaba? Matuwid ba o lisya ang (mga) ideolohiyang ito? Ipaliwanag. Sa pagsagot ng mga tanong na ito, alalahanin ang talakayan hinggil sa pagkakaiba ng “sociology of literature” at “revolutionary understanding of history” ayon kay Terry Eagleton. [15 puntos]

Whenever I see girls and boys
Selling lanterns on the street,
I remember Saddam
Bumili ng missile bomb.
Pinaputok sa may kanto,
Tinamaan ang kalbo.
Pumutok ang ulo,
Sumabog ang kuto.

2. Pumili ng dalawang maikling kuwento ng sinuman sa manunulat na nakalista sa ibaba. [Ipaxerox ang mga akda at i-attach sa isusumiteng eksam]. Ilugar ang napiling manunulat at mga akda sa (mga) ispesipikong (a) tradisyong pampanitikan at (b) kilusang pampanitikan sa Pilipinas. Analisahin. [25 puntos]

Rosario Cruz Lucero
Edel Garcellano
Rogelio Ordoñez
Estrella Alfon

3. Kapag nag-aaral ng mga kilusan at tunguhing pampanitikan sa bansa, maraming larang ang isinasaalang-alang. Ilan sa mga ito ay nakalista sa ibaba. Kung ikaw ang nagsusuri ng mga kilusang at tunguhing pampanitikan, anong larang ang uunahin mo? Ano ang ihuhuli mo? Bakit? Ipaliwanag. Sa scale na 1 to 10 (1 ang pinakamataas), lagyan ng numero ang mga larang ayon sa gagawin mong pagkakasunud-sunod. [15 puntos]

personal
pulitika
kasaysayan
kalikasan o kaligiran
lenggwahe
kasarian
nasyonalismo
kasapian
popularidad
produksyong pampanitikan

4. Realism o Social Realism ang lantay na ideolohiya sa akdang nasa ibaba? May kilusang pampanitikan kayang kinabibilangan ang akda at awtor nito? Ipaliwanag. [15 puntos]

Aralin sa Ekonomyang Pampulitika
Ni Kerima Lorena Tariman

Nang matuklasan ng isang Aleman
Ang labis na halaga
Ay nakalkula na rin
Ang lahat-lahat na.

Halaga ng tao
Halaga ng lupa
Halaga ng tula
Halaga ng digma

Kung sa loob pa lamang
Ng tatlong minutong trabaho
Ay nalilikha na ng manggagawa
Ang buong araw niyang suweldo,
Ang tantos ng pagsasamantala
Ay ilang porsyento?
Ay, ang labis na halaga –
O pagpapahalaga –
Sa superganansya’t supertubo!


Binibilang ko ang mga bagay
Na mahalaga sa akin:
Bubong, saplot, araw-araw na kakanin.
Binibilang ko ang araw
At ako’y napapailing:
Bawat minuto,
Kinikita ng mga kumpanya ng langis
Ang katumbas ng walong oras kong pawis.
Bakit ba napakahalaga
Ng paghahangad ng labis,
Kung ang labis-labis,
Ang katumbas ay krisis?


Tinatantya ko kung kailan:
1. mapipigtas sa tanikala ng monopolyo ang pinakamahina nitong kawing
2. aawitin ng kapitalismo ang punebre sa sarili niyang libing.
Pansamantala lamang ba ang pagsasamantala?
Anu-ano ang mga pagkakataong
Dapat nating samantalahin?


Natuklasan din ng Aleman
Na ang manggagawa ay walang bansa,
At kanilang pakikibaka
Ay walang baybayin.

Kaya’t kinalkula ko muna,
Samantala, kung ano ang mahalaga
Para sa araw-araw nating gawain.
At kung gaano kahalaga,
Mga kasama, ang pagkakaisa sa atin.

TAPOS NG MIDTERM EXAM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home