Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Friday, April 29, 2005

Site seeing sa may Balara!!!


Mga pictures sa Balara Park Posted by Hello
(starting from upper left)

1. La Intrepida.

2. Windmill at ang Bell Tower na ngaun ay gnawa nang tangke ng tubig.

3. Ung statue sa may Balara Water Treatment Plant...

4. Greek-style na ampitheatre. Btw, alam nyo ba ang pagkakaiba ng Roman style na ampitheatre sa Greek-style? Ang Roman Ampitheatre like for example, ung sikat na Colosseum, above ground samantalang ang Greek Ampitheatre, sumusunod sa contour ng land... Kaya ung nakita natin, greek style... la lang... natutunan ko lang sa architecture history class namin. Ü

5. Nagalingan lang ako... parang katulad nung nasa movie na "the ring" Japanese version.. kakatakot un promise... eto nga pag nakikita ko, knakabahan ako e.. promise totoo... nagka-trauma ako dahil sa movie na un...

6. Windmill pa rin.

7. Bell Tower pa rin.

8. Ampitheatre pa rin.

9. Windmill.

Pan Pil 17 X2 (Summer 04'-05')


Field Trip sa may Balara Posted by Hello

Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Sumpa ng Kalachuchi

Ang saya saya ng mini-tour kanina…para akong lumipad patungong ibang mundo mula sa planetang Peyups patungong planetang Balara…Ewan ko ba kung bakit parang bumalik ako sa pagkabata ng tumungtong tayo sa lugar na iyon…Ah! Baka siguro dahil kay Inay Bernadine, sa puro germs na ice scramble ni manong na nakakumay at nakakauhaw, sa mga higanteng mama na nagbubuhat ng tangkeng hugis itlog ng ostrich, sa simbahang creepy, sa amphitheater na pugad ng mga nakahubad na mga mama, sa sekyu na sunod ng sunod sa atin o kaya marahil sa kalachuching pula at puti na aking pinulot (hindi ko kasi abot e!) sa daan… baka lukso ng dugo dahil muli kong nakita si Inay.
Marami talaga akong natutunan… (dapat lang siguro noh! Kahit na maikli ung distance, ang init-init kaya?!) tulad ng:

1. Ang Old Balara ay mukhang bago
2. Ang simbahan nung unang panahon ay nakakatakot, pero gayunpaman, masayang makipagtitigan sa mga rebulto ng mga santo-santo
3. Mag-ingat sa mga lumang sementadong daan, kasi 80% ang chance mong matapilok…5 beses kasi akong natapilok e… pero naghahanap lang talaga ako ng sisisihin… ang tanga kasi ng mga paa ko…
4. Magandang gawing tambayan ang park, lalo na pag kating-kati ka ng mag yosi
5. Mas kaakit-akit ang babaeng magsasaka
6. Magandang mag-picture picture malapit sa bangin
7. Astig si Abraham Get-something Gideon nung panahon nya
8. Nakakalaki ng katawan ang pagbubuhat ng itlog ng dinosaur


Mga ilang bagay na naguguluhan pa ako:

1. Bakit kailangang nakahubad ang rebulto ng mga nasa fountain o pond?
2. Bakit may mga batang feeling artista? Bahagi lamang ba iyon ng pagpapasikat nila sa mga taong dumadaan? Hindi naman ako ganon nung bata ako a! Iba na talaga ang kabataan ngayon...tsk…tsk…
3. Para saan ang mga saging sa paanan ng bangin?
4. Kung ang mga socialite ang nakatira sa sentro ng bayan, bakit mas maraming iskwater ang mas malapit sa sentro kaysa sa mga taga- La Vista?
5. Talaga bang galing sa PALARA ang BALARA? Kung gayon, factory ban g sigarilyo at kailangang maging kaharian ng mga PALARA ang BALARA?

Thursday, April 28, 2005

narko analisis ek-ek

narko analisis ek-ek


narko analisis ek-ek

sa totoo lang, madalas akong mapagkamalang tomboy nung bata pa ako, at natigil lang yun nung second year highschool ako...kahit na ang haba-haba ng buhok ko (hanggang pwet un!sa pagkakatanda ko), hindi pa rin ma-realize ng mga kalaro kong lalaki na babae ako...lagi ko itong pinagninilayan at ngayon ko lang napagtanto na isa nga akong babaeng nagto-tomboy-tomboy-an...

kinder 1 ako non...mga 4 years old ako, at dahil mayroon akong 3 kuyang nag-bibinata, masyado akong naimpluwensyahan ng kanilang mga kinalolokohang gawain...tulad na lamang ng e-heads, rivermaya, parokya ni edgar...yung mga tipong hard core talagang music na astig...at syempwe, dahil nasa stage pa lang ako ng aking pagiging mulat sa katotohanan ng buhay elementary, sa halip na makisabay ako sa mga kanta ng backstreet boys at n sync e kumakanta ako ng e-heads at rizal underground...at mas pinipili ko pa ang mag-basketball kaysa makipag-kulitan sa mga barbie doll na aking
siguro, dahil nasa bataan pa ako non at ala pang kamuwangmuwang sa drugs at iba pang kamunduhan, di ko naisip na habang ginagaya ko si ely buendia at bamboo sa pagkanta ng kanilang mga awitin kasabay ng aking mga kuya e para pala kaming mga bangag na pumapalahaw sa aming bahay. pero sa totoo lang, nasa pag-iisip lamang ng mga tao ang ka-ek-ek-an na to...kung gusto nilang isipin na kanta to ng mga adik, ok!fine, weno ngayon?yun nga lang at dahil mabilis ang paglaganap niyo sa mga kabataan, dahil na lamang sa mga awitin ng mga iniidolong eheads at rivermaya, mas lalo itong kinakapitan ng mga bangag na kabataan...ang mga lyrics ng kanta na tulad ng ating ginagawa na intensibong pagsusuri, lumalabas nga ang panghihikayat nito sa mga nakikinig na mag-drugs, dahil MASARAP ang pakiramdam ng bangag...pero sa aking "mura" (piso lang ang value) at "medyo pasaway na pagiisip dala ng kabataan", nasa interpretasyon lang ng tao ang mga awiting ito...kung anong gusto nilang isipin, wa pakels tayo dahil hindi naman tayo ang may pagiisip non...kung gusto nyong maging bangag, okay lang...BASTA KAYA NYONG SUPORTAHAN ANG BISYO NYO SA TAMANG PARAAN...alam ko para na akong tanga pero wala pa kasi akong karanasan sa mga ka-ek-ek-an na to..ni hindi pa nga ako nakakatikim ng alak e...SWEAR!!!mejo conservative at traditional kasi ang pamilya ko...pero konting panahon na lang at magiging legal na ako (yehessss!) at magagawa ko na anuman ang aking gustuhin...baka i-try ko din to!^_^

Wednesday, April 27, 2005

narko analisis ek-ek: narko analisis ek-ek 2

narko analisis ek-ek: narko analisis ek-ek



siguro, dahil nasa bataan pa ako non at ala pang kamuwangmuwang sa drugs at iba pang kamunduhan, di ko naisip na habang ginagaya ko si ely buendia at bamboo sa pagkanta ng kanilang mga awitin kasabay ng aking mga kuya e para pala kaming mga bangag na pumapalahaw sa aming bahay. pero sa totoo lang, nasa pag-iisip lamang ng mga tao ang ka-ek-ek-an na to...kung gusto nilang isipin na kanta to ng mga adik, ok!fine, weno ngayon?yun nga lang at dahil mabilis ang paglaganap niyo sa mga kabataan, dahil na lamang sa mga awitin ng mga iniidolong eheads at rivermaya, mas lalo itong kinakapitan ng mga bangag na kabataan...ang mga lyrics ng kanta na tulad ng ating ginagawa na intensibong pagsusuri, lumalabas nga ang panghihikayat nito sa mga nakikinig na mag-drugs, dahil MASARAP ang pakiramdam ng bangag...pero sa aking "mura" (piso lang ang value) at "medyo pasaway na pagiisip dala ng kabataan", nasa interpretasyon lang ng tao ang mga awiting ito...kung anong gusto nilang isipin, wa pakels tayo dahil hindi naman tayo ang may pagiisip non...kung gusto nyong maging bangag, okay lang...BASTA KAYA NYONG SUPORTAHAN ANG BISYO NYO SA TAMANG PARAAN...alam ko para na akong tanga pero wala pa kasi akong karanasan sa mga ka-ek-ek-an na to..ni hindi pa nga ako nakakatikim ng alak e...SWEAR!!!mejo conservative at traditional kasi ang pamilya ko...pero konting panahon na lang at magiging legal na ako (yehessss!) at magagawa ko na anuman ang aking gustuhin...baka i-try ko din to!^_^

Tuesday, April 26, 2005

Ang Alapaap at Elisi: Deskripsyon ng nakaka-high na karanasan

Mula pa noong nasa highskul pa lamang ako, at lagi kong pinakikinggan ang mga kanta ng e-heads at rivermaya, naiisip ko na agad na sadyang ginawa ang kanta para ilarawan ang isang karanasan sa droga. Natatandaan ko pa noong sobrang idolo ng kuya ko si Eli, madalas kong naririnig ang Alapaap...sabi niya, ganun daw talaga ang pakiramdam ng naka-droga. Kung aanalisahin ang lyics nito, ganun talaga ang iniimplika ng kanta. Gusto ko sanang idagdag ang aking obserbasyon sa isa pang likha ng e-heads na tila nagpapakita rin ng kaugnayan sa droga- ang "harana". Napansin ko lang ito nung nabasa ko ang "Kabataang Drug Lord",napansin ko kasi yung Amsterdam na kilala bilang isang malaking market ng droga. Mapapansin sa unang saknong ng kanta: "Kung ako ay papipiliin, ay nag_Amsterdam na ako...". Marahil, kung papansinin natin ang mga likha ng e-heads, kakikitaan natin sila ng mga simbolismo at representasyon sa ganitong uri ng bagay.

Maikling Reaksyon sa Awiting Elisi at Alapaap

karendirya



Ang sasabihin ko dito ay siya ring idinaldal ko kanina sa klase at siyempre pa, ang mga sinabi rin ng aking mababait na kaklase.Sa unang saknong pa lamang, ng awiting Elisi, linapatan na ito ng mahahalagang salita, na nagseset ng mood ng kanta. Dito, malinaw na tumutukoy ito sa sitywasyon kung saan ang isang tao ay lugmok sa malaking suliranin o problema. ang mga salitang "automatic na ang luha," ay katotohanang nangyayari sa mga taong malalaki ang problema. Isama na rin dito ang nasa pangatlong saknong na direkta nang gumagamit ng salitang "komplikadong problema," upang buohin ang mood ng musika. Suportado rin ito ng mga sumusunod na salita, "hatinggabi, pag imposibleng mapatawa ,at di madapuan ng ngiti." Napakaganda at di mahirp intindihin ito,at ang isang mambabasa ay dagliang matatanto, na usaping problema, pagkalungkot, negatibo, suliranin at conflict ang pinag-uusapan dito. At gaya ng sinabi ko kanina sa klase, mahalaga ang representasyon ng gabi para sa akin dahil na rin sa nakagawiang konsepto na ano mang negatibo gaya ng mga problema ay iniuugnay sa kadiliman, itim at gabi taliwas sa kaaliwalasan at kaputian, mabuti, at masaya. Dagdag pa rito ang nabanggit kanina sa klase ukol sa konsepto ng time at space na napagusapan na ng klase. At base na rin ito sa karaniwang nangyayari na ang gabi ay para bang tinakdang pagkakataon upang makapag-isa, maging helpless,sa gayon akma na panahon para magdusa. At bilang sulyap sa awiting Alapaap ng Eraserheads, gumamit naman ito ng mood na presko gamit lamang ang salitang umaga, marahil dahil dito nasa antas na ng epekto ng paggamit ng droga ang karakter dito. Balik sa Elisi, at sa ikalawang saknong, tila hinihikayat na nga ang isang tao na gumamit ng kung ano mang bagay na ito ( "sa KANYA") na maari nating sabihing droga nga. Gamit din ang mga salitang "kalayaan ng ligaya" na karaniwang ikinakabit sa epekto ng paggamit ng droga. Batid natin ito dahil escapist ang tema dito at karaniwang dahilan ng paggamit ng droga ay upang takasan ang sitwasyon na binabanggit sa unang saknong. Napansin ko rin ang paggamit ng elisi na ayon na rin sa aking mga kaklase, ito'y dahil ito ang nagdadala sa eroplano sa kalangitan, isa na namang pakahulugan sa epekto ng bawal na gamot. Para sa akin naman ang elisi kasi ay paikot-ikot at nakakahilo, na para ring epekto ng droga. Pansin ko rin na ginagamit itong symbolic-element sa mga pelikula at short film. Para ikot-ikot din ang elisi, pabalik balik, na para bang isang adiksyon sa droga. Nakakalito naman ang pangatlong saknong para sa akin dahil sa paggamit ng bansang Hapon, bagamat ang relo ay para ding elisi na paiko-ikot. Ang naiisip ko lang na pagsinabi ng tatay ko (noon yun) na made in Japan, parang ibig niyang sabihin sirain, magulo at di maintindihan. Mas may kahulugan ito pag binuo mo na ang relo-made-in Japan. Isama na rin natin ang sandwich na nawawala na tila ba nakakaloka rin.At pag dating sa huli, muli nitong pinahihiwatig ang escapism, ang daglian at temporaryong solusyon sa ating mga problema. Hindi rin masyadong malayo ang sinsabi ng Alapaap ng E'heads bagamat mas literal ito at mas madaling makuha ang kahulugan. Ang "alapaap" na para sa akin ay katumbas ng "ere, o langit," ay mag salitang ginagamit upang ipinta ang epekto ng droga sa tao. At gaya na rin nang sabi ng kaibigang kong si Aileen, ang intro ng musika pati na rin ang pangalawang saknong ay angkop na metaphor sa epekto ng droga, sa paghit-hit ng marijuana. Paghihikayat naman at pagpapalakas ng loob ang tema ng ikatlong saknong, gaya ng ginawa sa Elisi. Rebellious din ang panghuli nitong saknong, ekspresyon ng dissent na maari ding iugnay sa usaping lipunan at droga (ngunit iba nang kwento ito).

Sa pangkalahatan, progresibo ang mga awiting ito. Sinisira nito ang mga kombensiyon, ang status quo na sa tingin ko ay nababagay sa mas malawak na usapin. Dahil dito, hindi rin ako kumbensido na isa lang ang tema ng awitin ito. Hindi lang itong awitin ng droga. Mas mahalaga siguro ang sinasabi ng lipunan ukol dito at ano ang sabi ng kanta tungkol sa lipunang ito.