Kung Bakit Mahilig o Asiwa Kami sa Pop Cola

Ngayong Tag-init 2005 sa Peyups Dilian, dalawang klase ng Panitikang Pilipino 17 ang "hawak" ko. Malas nila dahil ang titser nila ay si Mykel Andrada! Bakit www.popkulo.blogspot.com ang blog address nito? Kasi ang PanPil 17 ay tungkol sa Popular na Kultura. Pop. Kulo (pwedeng basahin dito yung Kulo bilang "Kultura," "Cola," "Kulo" o anumang "Pakulo" ng pop culture).

Thursday, May 26, 2005

Maraming Salamat

Officially, tapos na ang summer. Tapos na rin ang maikling panahong nagkahuntahan tayong lahat. Kanina ay naipasa ko na ang grades n'yo. Walang bumagsak. Wala ring incomplete o 4.0, at wala ring drop. First time ko ata ito sa history ng aking pagtuturo a! Hehehe.

Anyway, nakapost sa room ko, FC 3009, sa labas, sa ibabaw ng mga higanteng folders, ang details ng grades n'yo. Nakasulat din dun ang mga pangalan n'yo kaya malalaman ng iba n'yong classmate kung ano ang nakuha n'yong grades. Joke lang. Student number lang po. Hehehe.

Nasa higanteng folders naman ang blue books n'yo, yung Long Exam n'yo, pati yung mga mapa at ilang final papers ng classmates n'yo. Di ko na ibabalik yung mga final project na naka-CD, tsaka yung ibang final project na ang gaganda, kasi magagamit ko yun sa iba kong mga future classes. Don't worry, ike-credit ko yun sa inyo. Sasabihin ko sa kanila na kayo ang gumawa noon, pati yung mga powerpoint presentations. I always make it a point to give credit to whom credit is due. :)

Yung mga nagbigay naman ng blank cds para pag-burn-an ko ng short films, pasensiya na, lagi kong nakakalimutan. Next week, promise, maibibigay ko na. Bale iiiwan ko kay Ate Susan sa Filipino Department yung mga cds; lalagyan ko ng corresponding names tapos hingin n'yo na lang kay Ate Susan.

Maraming salamat sa isang masayang Tag-init! Masaya ako na kayo ang naging mga estudyante ko ngayong Summer 2005, ang first time kong magturo ng Summer classes. Ciao!

P.S. Please keep on blogging para naman makabalita pa rin ako tungkol sa inyo. :)

-- sir mykel

Monday, May 16, 2005

herosan:pilipinas at korea^_^can this be love?^_^

cultural imperialism

basically yung film e about a filipino nurse stude (hero) at isang ligaw na koreana (sandy)...mejo kakaiba na mejo predictable nga lang yung ending...madamib#ng flaws tulad nung text scene at ung bag thing...parang hindi film ng isang jose javier reyes...niwei, balik dun sa tanong ni sir...ano ang relasyon ng korea at ng pilipinas sa pelikula nina herosan...

habang ginagawa ko to, natutuwa ako sa 2 koreanong nagnenet katabi ko (down kasi ung computer sa bahay, bad trip!) at tinatanong nila ako...like, saan daw ba ako nag aaral (English syempwe) at may kakilala daw ba akong tutor para matuto silang mag-english...I asked why kasi daw para madaling maka-apply ng papers dito sa Pinas...hindi ko naman naitanong kung idol lang nila si Sandara kaya sila dumagsa sa PIlipinas...pero nalaman ko kanina sa Kay Susan tayo na kapag summer sa Pilipinas e tag-ulan sa kanila kaya ang daming koeranong nagkalat ngayon...

sa tingin ko, masyos ayos naman yung relasyon ng Pilipinas at Korea, kaya naiisip ko na mejo maluwag yung pamahalaan sa mga papasok na mga Asyano specially koreans, tulad ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga Korean Telenovelas at Movies...kung gagawan ko ng analogy si hero at sandara bilang Pilipinas at Korea, matutuwa ako kung gagawin ng mga nursing studes ng Pilipinas ang ginawa ni Hero, (pero mas gusto ko na dito na lang sila sa PIlipinas) na piliin ang Korea para mag serbisyo dun kaysa sa US, at nang sa gayon, at least, dito na lang sila sa Asya, at kapwa asyano natin ang pinagsisilbihan nila...pero syempre mas maganda kung dito na lang sila sa PIlipinas, tulad ng mga doktor na ipapalabas sa i witness sa monday..

posible kaya na may mamuong pagmamahalan sa PInas at Korea??

sir, nalaman ko nga pala na kung ang Pilipinas ang texting capital of the world, ang Korea (sokor in particular) ay ang global leader sa internet broadband activity...tulad na lamang ng pagkaaddict sa mere 5% ng mga Pilipino na may access sa net, at sa 77% na addict sa text, ang mga Koreano ay ginagawang tulugan ang mga cybercafes at parang ordinaryong radyo na lamang sa bahay nila ang mga computer...

mejo nakakapampalubag loob sa akin yung pag portray nila kay Ryan, (HERO), dahil sa sobrang kahirapan dito sa Pinas, kailangan nyang mag-typing job para makatulong sa kanyang pagaaral pero mejo korny talaga yung love story nila...at take note, sabay sa agos ng mga Nursing studes si hero...at may damdami8ng makabayan din pala siya dahil kahit sa erronius na term paper ni sandy ay ipinagtanggol nya ang Pilipinas...at ipinakita din na mahuhusay sa Ingglisan ang mga Pinoy kasi dito piniling magaral ng English ni Daisy (Sandara), pero sana ginawa nilang Korean din ung name ni Sandy, para mas makatotohanan...

hanggang ngayo kasi e may mga posters nila herosan sa megamall at napansin ko na may 'fragile' na nakasulat sa mga boxes nila...sa tingin kaya nila, 'fragile' ang nangyari sa love story nila??

Sunday, May 15, 2005

herosan: Pilipinas at Korea

herosan at ang relasyong pilipinas at korea

cultural imperialismherosan at ang relasyong pilipinas at korea

s***!

OK na sana ang araw ko. Katatapos ko lang mag-almusal sa Chowking sa may Starmall na malapit sa sakayan ng MRT kung saan ako sasakay. Habang ninananam ang ang 75 pesos na agahan, kasama ng paglimot na ito ay may kamahalan, binabasa ko naman ang artikulo ni Alden Lauzon tungkol sa pulitika ng McDonalds, Jollibee at kung ano-ano pang nagsulpotang fast food chain, kasama na ang kinakainan ko. Basa, subo, basa, subo…Gawain ko na ito dati dahil spoiled ang katulong naming lalo na pag umaga. Ayaw magluto.
Syet!Alas-otso na. Di ko namalayan ang oras sa sarap ng longsilog at kape. Kumaripas na ako papunta sa may elevator ng MRT at sabay pindot sa sira-sira nang pindutan, Swerte talaga dahil wala akong kasabay at di pangkaraniwang ang ganito. Hindi na parang sardines. Nasa loob na ako at handa na sa mainit at mabagal na elevator ng may biglang bumulaga sa harap ko na babeng naka corporate attire.
“Sandali!” sabi niya. At sa gulat at pagkataranta ko, inipit ko ang paa ko sa may pintuan para di ito magsara. Nalilito kasi ako minsan doon sa keys para sa pintuan at baka kung mali ang napindot ko, hindi siya makakasakay. Nang nasa loob na siya, isasara ko na sana ang pinto nang bigla kong nakita na may dalawa pang nakabuntot sa kanya, humahagos din sa katatakbo para lang maabutan ang elevator. Isang babae na halos kasing edad ko at parang crew pa ata ng Jollibee at isang lalaking mukhang karpentero.Pinindot ko ulit ang di pa nasasarang pinto para sila maka-abot at sa kabutihang palad nakasakay din sila.
Nagulat nalang ako ng biglang naiinis na sinabi ng aleng naka corporate attire, “Stop waiting for them!” Napatingin ako sa kanya dahil alam kong inis siya sa ginawa ko. Napahinto ako, nahilo. Nahilo ako sa sinabi niya at sa oras na iyon, gusto ko sanang sagutin siya pero napatingin nalang ako.
“Ang kapal naman ng mukha mo, kung di rin kita inantay, baka hindi ka rin nakasakay.” “Mahiya ka naman sa sarili mo, mukha ka namang nanay e bakit parang wala kang pakialam sa ibang tao.” Sa isip ko naglalaro ang pag-mumura at pagka-asar sa gawi niyang iyon.
Natanong ko tuloy sa sarili ko ngayon: Ganoon na ba talaga kahalaga ang oras niya na para sa dalawa o tatlong segundo ay wala na siyang pakialam sa iba? Kung mahalaga sa kanya ang oras, hindi rin ba mahalaga iyon sa dalawa pa naming kasama.? Gaano kaya kalaking pera o halaga, ang mawawala sa kanya kung mawalan siya ng ilang segundo? Sabihin nating mas malaki nga ang perang ito dahil nasa opisina siya pero hindi ba parang milyon na rin ang halaga nang piso para sa isang karpentero o crew ng mga fast food chains?
Mas nakakapanggigil pa iyon dahil sa Ingles niya sinabi ito, na para bang gustong niyang ipamukha sa amin na mas mataas ang pinag-aralan niya o edukado siya. Naka corporate attire kasi siya samantalang kami, parang mga gusgusin. E ano ngayon? Hindi naman siya mukhang tisay at hindi rin siya nag-Ingles nang hinabol niya ang pinto ng elevator. Naalala ko tuloy ang nabasa ko kay Marx na ang wika daw ay ideologically charged. Sabagay, kaya nga naman kung gusto mong sabihin na magaling ka, matalino at may pinag-aralan, supistikado, o para-in, mag Ingles ka. Ganun din naman kasi ang tingin natin sa Ingles hindi ba, at sosyal sigurong mag-mura sa Ingles. Parang mas sibilisado ang Ingles na mura kaysa sa Filipino. Iskwater kasing pakinggan ang “putang ina” o “walang hiya ka.” Ganun din naman na ang “shit!” ay mas mabango sa tainga kaysa “tae!”
Cheng! Biglang bumukas ang pinto at nasa taas na pala kami. Biglang naputol ang pag-mumura sa utak ko.
“Hindi bale, sa susunod, iipitin ko na siya ng pintuan,”

Wednesday, May 11, 2005

MALIGYANG KAARAWAN, SIR MYKEL!

Happy Birthday Sir! =) ...'yan e kung tunay nga po na ngayon 'yun...baka kasi joke lang 'yung snabi kanina sa class... eniwei, sa mga estudyante ni sir, comment na lang tayo dito para hindi aksaya sa espasyo ng post, hehe...=) ngapala, gawin nating ma-drama ang ating pag-bati at isang hamon ang mapa-iyak si sir, wahahaha! =)

Monday, May 09, 2005

Gawain para sa Balara Field Trip - For Pan Pil 17 - X2

Ito naman para sa Pan Pil 17 - X2

Kids ng Pan Pil 17, ilang paalala lang po. Sa Huwebes, Mayo 12, ay sisimulan natin ang talakayan hinggil sa GEOPOLITICS or Politics of Space. Pinakamagandang paraan para matalakay ito ay ang trip natin sa Balara. Gusto ko na gawin ninyo ang sumusunod na isasubmit sa SHORT BOND PAPER sa HUWEBES, MAYO 12:

1. MAPA ng BALARA. Particularly, ang landmarks, ang amusing spots, ang cultural and sociological information na nakalap ninyo, mga hearsay or myths tungkol sa lugar, at mga naresearch ninyo sa internet o sa Main Libe.

2. Pumili lamang ng isang tao sa dati ko nang inilista na pangalan ng mga tao sa dating entry dito. Yung list ng mga pangalan na kinuha ko dun sa nakaukit sa Higanteng Banga. Know at least one person at ilagay rin sa notes dun sa Mapa ninyo.

We will discuss this on Thursday, kaya dalhin na ninyo ang maps ninyo dahil isasubmit nyo na rin iyon. Thanks!

Para sa Pan Pil 17 - X3 - Mapa ng Quiapo / Marikina at Rewriting ng Mito

Para ito sa students ng Pan Pil 17 - X3 (11-1pm)

1. MAPA NG QUIAPO O MARIKINA
Inaasahan kong nakapunta na kayo sa Quiapo o Marikina. Tatalakayin natin ang GEOPOLITICS sa Huwebes, Mayo 12, kaya dapat ay dala na ninyo ang MAPA na ginawa ninyo. Specifically, nais kong makita sa mapa ninyo ang mga establisimiyento, pangalan ng mga kalye, landmarks, notes kung anong business o cultural information maryoon sa lugar na pinuntahan ninyo. Halimbawa, sa Quiapo, nirenovate ang labas ng Simbahan, yung plaza roon, tapos nandoon ang Mercury Drug. Atbp. Napakarami.

Dadalhin ninyo ang inyong mga mapa sa Huwebes. Isasubmit n'yo sa akin DURING CLASS TIME natin. Don't forget. Sa short bond paper lang ilagay. Puwedeng computerized, puwedeng handwritten, o kung anumang teknolohiya na mayroon kayo.

2. REWRITING NG ISANG MITO
Tulad nang sinabi ko na sa klase, nais kong gumawa kayo ng maikling kuwento na mayroon lamang 300 salita tungkol sa isang matandang pagpapaliwanag ng high tide at low tide. Na mayroong isang higanteng babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat na mayroong malaking-malaking pusod. Na kapag huminga siya paloob (breathe in) ay nasisipsip ng kaniyang pusod ang tubig-dagat kaya low tide, at kapag nag-exhale naman siya ay lumalabas ang nasipsip na tubig kaya nagkaka-high tide.

Bahala kayong paganahin ang inyong imahinasyon. Halimbawa, ang naisip ko ay ganito. May nanliligaw na mangingisda sa babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat. Akala ng babae ay dalisay ang intensyon ng mangingisda. Pero hindi pala. Gusto lang ng mangingisda na paibigin ang babae dahil kayang kontrolin ng babae ang pagbabaw at paglalim ng level ng tubig sa dagat. Magagalit ang babae kaya sisipsipin niya sa pusod niya ang maliit na bangka at ang mangingisda.

Naisip ko rin, halimbawa, paano kung lumiliit rin pala every 100 years ang babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat. Tapos may nakahuli sa babae at inilagay siya sa isang aquarium.

Tapos, paano kung mayroon palang mangingibig na lalaki ang babae, pero yung lalaki ay nasa buwan. At nakakapag-usap lang ang dalawang nilalang sa pamamagitan ng kanilang mga pusod -- dun sila nagkokomunikeyt -- na sa pusod nanggagaling ang gravitational pull nila.

Kayo ang bahalang mag-isip ng sarili ninyong naratibo. Basta gamiting persona o karakter ang babaeng nakahiga sa ilalim ng dagat. 300 words lang po. Mag-word count kayo. I-post n'yo sa SARILING BLOG ang inyong 300 word story. Kung wala kayong pang-internet, iprintout ninyo at ipasa sa akin. Sa BIYERNES, Mayo 13, 10pm ang deadline ng inyong takdang araling ito.

Friday, May 06, 2005

saranggola sa FA

saranggola sa FA

Malay mo nga naman…

Sa dinami-dami ng mga Conspiracy theory na nalaman ko sa aking pagbabasa sa net, maraming napaka-absurd at weird pero almost convincing na mga theories…Almost convincing kasi di nila ako tuluyang napaniwala…halos lahat sila mga cliché lang ng ibang mga cliché na pangyayari. Yung tungkol nga pala kay Lilith, narinig ko na yun nung grade six ako… naaalala ko yun dahil ung mag-entrega nun ay yung epal pero crush kong classmate…Di ko alam kung ganon na talaga ka-galing at kauso ung net non pero I believe na galing yun kung saang website at computerized sya…(tsk…tsk…ang alam ko kasi hindi sya marunong mag-type…) niwei, ang natatandaan ko, una nga syang asawa ni Adam at eventually ay naging asawa ni Satan… Pero ang isa sa mga napaniwala ako na conspiracy theory ay yung fake na pag-conquer kuno ng U.S. sa buwan. Sa simula palang talaga, habang manghang-mangha yung mga classmate ko nung elementary habang pinapanood namin ung pag-landing kuno nina Edwards at Armstrong sa surface ng moon…Para sa nagbabasa nito na hindi alam ung theory na ito, hindi DAW kasi totoo na nakarating sila Armstrong sa moon, pakana lang ito ng America para masabing nanalo sila sa Cold War laban sa Russia. Madami kasing flaws yung video na pinapakita yung pagla-landing kuno ng spaceship ng U.S. sa moon. Sa isang studio lang yun nangyari, except yung sa pag-take off ng shuttle which is true naman pero unmanned yun. Sa Arizona kasi may craters na gawa ng bumasak na meteorite (na sinasabi namang dahilan ng pagka-wipe out ng lahi ng dinosaurs millions of years ago…) na hawig sa surface ng moon. Tapos dun nila shinut un nga. Ang daming flaws kasi nung video like yung time na mejo hinangin yung flag na dapat ay hindi dahil there’s no air on the moon, ung mga shadows na dahil sa lights ng studio, yung angle ng earth at sun sa perspective ng moon ay hidi tugma at marami pang iba…

Hindi naman sa nagiging bitter ako kasi hindi nanalo yung bet ko na Russia pero kapanipaniwala naman kasi ung televised na conspiracy video na to…at ayoko talaga sa U.S. if given the chance na makapunta ako sa ibang bansa, pupunta na lang ako sa Japan…ulet…kaysa maging puppet in disguise ako sa America.

CAN THIS BE BLOGGED?

Boy meets girl. Boy and girl fell in love. Boy and girl fight then reconcile, and they live happily ever after.

Ganito ang karaniwang love story. Magsisimula sa pagkakakilala ng mga pangunahing tauhan (minsan masaya, nakakatawa o tragic) at pagkatapos ng conflict ay magiging sila rin. Tried and tested na ito at kabisado ito ng mga film makers, prodyusers at scriptwriter dahil kung di ganito ang fomula, baka langawin lang ito sa takilya. Dahil dapat nga realistic ang dating, may iba pa itong elemento (gaya ng ibang tauhan) na maaring magpatingkad pa sa buong istorya, pero kailangan hindi masasapawan ang bida.

Ang pelikulang “Can this be love?” nila Sandara Parks at Hero Angeles ay tungkol sa isang estudyante na Koreana (Sandara bilang Daisy) na nag-aaral sa may university-belt sa Manila. Isang araw, nanakawan siya at dahil sa kalungkutan, aksidente niyang na-text si Ryan (Hero Angeles) na una niyang nakilala (sa pamamagitan ng text lang) dahil sa ads na idinikit niya para sa ibenebentang cellphone. Nagsimula doon ang pagkakaibigan nila at dinagdagan pa ito ng twist ng magkaalaman na ang typist na kinaiinisan ni Daisy ay si Ryan pala.

Destination…abroad

“Of the pinoy and by the pinoy” talaga ang pellikulang ito. Tadtad ng simbolismo at sa subtle na paraan, inihahayag ng pelikulang ito ang pangkalahatan ng lipunang Pilipino. Mahirap ang pangunahing tauhan dito, si Ryan at pangarap niyang maging nurse upang makapag-abroad. Hindi na bago ito at tunay lamang ang sinasabi ng pelikula. Malakas ang demand ng mga nurses at care takers sa ibayong dagat ( mga first world countries) at isama na rin natin diyan ang mga OFW’s. Ang Pilipinas daw ay isa sa pinakamalakas sa labor export at isa ito sa nagsasalba sa naghihingalong ekonomiya ng Pilipinas. Sa pelikulang ito, wala nang bukambibig ang mga tao, lalo na ang mga kabataan kundi ang pag-aabroad, ang kumita ng dolyar o kahit ang makapag-asawa lang ng dayuhan dahil na rin sa kahirapan. Kahit paulit-ulit itong sinasabi, kahit papaano tumutukoy sa realidad ng lipunan. Kaya nga nagsulpotan bigla ang mga nursing schools na kahit IT schools ay pumasok na rin. Si Ryan at ang iba pang tauhan sa kwento ay iisa. Iisa ang pangarap, ang yumaman sa pamamagitan ng pag-takas sa isang bansang mahirap na tila di naman maintindihan ni Daisy. Mapapansin din sa takbo ng istorya ang tila unti-unting pagkamanhid ng mga kabataan ngayon at pagtrato sa edukasyon bilang paraan lamang para umangat ang kalagayan sa buhay. “Hindi na kailangan matalino basta madiskarte,” sabi nga ng kaibigan niya. “Mataas na grade, equals magandang buhay.” Simplestiko, pero sinasabi rin nito na mababa ang tingin sa tunay na esensiya ng kaalaman. Parang, bakit ka pa mag-aaral kundi ka rin naman yayaman? Kasabay nito, bakit ko nga naman pag-aaralan pa ang humanities, sociology at iba pang kurso na di pag-kakakitaan. Kaya ang pagiging nurse ni Ryan ay di lamang aksidente na nangyari ngunit may esensya din sa pag-sususri. Pinatunayan pa ito ng bigla siyang tanungin ukol sa history ng Pilipinas na di niya masagot na kataka-taka dahil iskolar siya.

Mahalaga rin ang papel na ginampanan ni Tita (caretaker nila Daisy) dahil sa karakter nito hindi lang sa pagpapatawa kundi sa mga pag-aalala nito sa patuloy na pag-alis ng mga Pinoy sa kanilang bayan. Kahit si Daisy, na isang Korean, ay ipinupukol ang tanong na ito. Ano kaya ang mangyayari sa inyo kung lahat ay mag-aalisan? Importante sana ang role ni Tita pero nabawasan ito dahil sa nakakatawa niyang karakter, at pagkahumaling sa Korean telenovela.

Para sa akin, mas kritikal pa ang pagtalakay sa problema nila Sed at Ryan na makapag-abroad kaysa sa problema nito sa kani-kanilang “love problems.” Sinapawan ng huli ang tunay na suliranin na sinubukang ipakita ng pelikula.

Pinakbet

Halo-halo ang mga simbolismo at subliminal na kahulugan ang makikita sa pelikulang ito. Kita dito ang karakter ng panghihikayat, at escapism, virtual reality, ang vicious cycle of hoplessness (na hindi ko na sasabihin para di na pulit-ulit.). Pansinin din ang paggamit ng karakter na bakla ni Roderick Paulate at ang alalay niting tumboy. At gaya ng maraming pelikula, sila ang mga nakakatawa, madaldal at di nararapat seryosohin dahil na rin sa kakaiba nilang sexualidad. Nandiyan din si Tirso Cruz III na maganda ang twist sa bandang huli na umiyak habang nagdradrama ito sa kanyang pag-ibig. Sa una, macho ang dating nito pero sa huli ay bumigay din.

Sa pagitan ng mga pangungusap. Napansin ko rin ang makabagong tugon sa tanong na walang pagmamahal sa bayan ang mga taong umaalis ng bansa para magtrabaho. Ang sagot kasi ng isa sa mga karakter ay ganito, “kahi saan man kami pumunta Pilipino pa rin kami.” Hindi ko na ito palalawigin ngunit may iba pang isyu na pinasadahan ang pelikula na hindi nito sinagot. Na discriminate ba si Ryan pagpunta niya sa Korea gaya sa isa sa mga karakter at scene sa pelikula? And they live happily ever after. Yumaman kaya si Ryan noong magnurse siya? Hindi kaya siya nahirapan mag-hanap ng trabaho o nahirapan sumabay sa pag-dagsa ng libo-libong nurse sa ibang bansa? Hindi kaya abusado ang amo niya? Mala fairy tale ang istorya hindi ba?

Malamang kung ganito, alam na rin natin na kakaiba ito sa pangkaraniwang karanasan ng isang tao bilang indibidwal at bilang kasapin ng lipunan. Sabagay kaya nga kasama pa rin ang pelikula at ang istorya nito sa popular na kultura. Komersyalismo, reproduksyon at teknolohiya.

Monday, May 02, 2005

Dahil Walang Klase

Dahil walang klase ngayong Lunes, Mayo 2, 2005, mayroon lang akong ilang ipaaalala:

A. MGA PANGALAN SA MALAKING BANGA SA MAY WATER SYSTEM SA BALARA -- humanap ng impormasyon hinggil sa mga taong ito at ano ang kinalaman nila sa nakaukit sa banga na "Not Known Unto All But Known Unto God and Co-Workers" or something-to-this-effect. Puwede kayong magsaliksik sa internet o sa libe o sa records ng MWSS. Pero sa tingin ko, the best way to find info about this people ay magtanong sa mga residente at caretaker dun sa Balara.

1. Leo Adriano
2. Macario Mallari
3. Segundo Abrera
4. Aldan Lacson
5. Manuel Aratia
6. Jose Barlan
7. Esperidion Ibarra
8. Anong Alcantara
9. Ernesto Alejo
10. Jose Maniano
11. Braulio Mutuc
12. Esteban Crisaldo

B. ISKEDYUL NG REPORT AT ASSIGNED READINGS FOR THE FIRST WEEK OF MAY

PAN PIL 17 - X2 (9am-11am)
Mayo
3 Martes
Reading 1: “Nora ‘Inabandona’ ni GMA”
Reading 2: "Judy Ann Santos at ang Aura ng Ordinaryo” ni Rolando B. Tolentino
Pag-uulat: VAT(wo)man: Ang Pagsulpot nina Darna at Panday sa Panahon ng VAT nina Marivic Esquierda at May Ann Garrido

4 Miyerkules
Reading 1: “Bagong Propaganda ng US: Reality TV sa Iraq” ni Sophia Tolentino
Reading 2: “Bituin sa Pusali: Hula sa Kaarawan” (Horoscope sa Pinoy Weekly) ni Sixter A. Sitjar

Pag-uulat 1: US President George W. Bush at ang American Idol at Star Circle Quest nina Bryant Bascos at Nina Marie Castillo
Pag-uulat 2: Si Pope John Paul II at ang Da Vinci Code nina Manuel Alcaraz at Richard Estabillo

5 Huwebes
Pag-uulat 1: Kuwarta o Bayong: Ang mga Game Show nina Pepe Pimentel, Kris Aquino, Paolo Bediones at Willie Revillame (ulat nina Karen Christel Alfaro at Joanna Irish Kirong)
Pag-uulat 2: Jukebox, Karaoke at Videoke: Si Allan K, Pops Fernandez at Imelda Papin (ulat nina Bay-Viz Caleon at Johann Marie Lopez)

6 Biyernes
Pag-uulat 1: Kundiman hanggang Novelty Songs: Victor Wood, April Boy Regino, Eraserheads, Viva Hot Babes, Sponge Cola at ang Music Industry (ulat nina Aileen Artificio at Daniel Doligon)
Pag-uulat 2: Ang Maaamong Mukha nina Aga Muhlach. Richard Gutierrez at Hero Angeles (Ulat nina Jessie Ruth Granadillos at Rachel Anne Leyritana)

PAN PIL 17 - X3 (11am-1pm)
Mayo
3 Martes
Reading 1: “Nora ‘Inabandona’ ni GMA”
Reading 2: "Judy Ann Santos at ang Aura ng Ordinaryo” ni Rolando B. Tolentino
Pag-uulat: VAT(wo)man: Ang Pagsulpot nina Darna at Panday sa Panahon ng VAT (ulat nina Maria Katrina Bacani at Svetlana dela Pena)

4 Miyerkules
Reading 1: “Bagong Propaganda ng US: Reality TV sa Iraq” ni Sophia Tolentino

Reading 2: “Bituin sa Pusali: Hula sa Kaarawan” (Horoscope sa Pinoy Weekly) ni Sixter A. Sitjar
Pag-uulat 1: Staircase to F4’s Full House in Mexico: Mexican Telenovela hanggang Koreanovela (ulat nina Lei Fernandez at Kate Janagap)
Pag-uulat 2:US President George W. Bush at ang American Idol at Star Circle Quest (ulat nina Sarah Ruth Matias at Karizma Vergel De Dios)

5 Huwebes
Pag-uulat 1: Kuwarta o Bayong: Ang mga Game Show nina Pepe Pimentel, Kris Aquino, Paolo Bediones at Willie Revillame (ulat nina Benedict Angeles at Maricon Manso)

Pag-uulat 2: Jukebox, Karaoke at Videoke: Si Allan K, Pops Fernandez at Imelda Papin (ulat nina Jazel Abubakar at Hazelwin Saet)

6 Biyernes
Pag-uulat 1: Kundiman hanggang Novelty Songs: Victor Wood, April Boy Regino, Eraserheads, Viva Hot Babes, Sponge Cola at ang Music Industry (ulat nina Joy Vergel Carsula at John Michael Sampan)
Pag-uulat 2: Ang Maaamong Mukha nina Aga Muhlach. Richard Gutierrez at Hero Angeles (Ulat nina Michael Alinao at Bernadette Gacuan)

C. HULING PAALALA
Marami pa rin sa inyo ang wala, iisa o dadalawa lamang ang entry sa mga blog nila. Ipinapaalala ko lang na kayo ang gumagawa ng grade n'yo. Salamat.